Jump to content

May 2011 Update/tl

From Strategic Planning

 
Kumusta,

Ako ay si Ting Chen, ang Tagapamahala ng Lupon ng mga Katiwala ng Pundasyon ng Wikimedia.

Noong nakalipas na dalawang mga buwan, nilathala ng Pundasyon ng Wikimedia ang mga kinalabasan ng aming bagong Pag-aaral ng Kalakaran ng Patnugot (mababasa mo ang mga resulta rito), na nagpakita na sa loob ng nakalipas na ilang mga taon nagiging napakahirap para sa mga tao na baguhin ang mga proyekto ng Wikimedia. Noong nakaraang buwan nagkaroon ang Lupon ng mahabang talakayan hinggil dito, at nasundan ito ng nagkakaisang pagpayag sa isang pahayag na humihiling sa iyong makilahok sa amin sa pagtulong sa mga proyekto ng Wikimedia na maging mas bukas at mas napagtutulung-tulungan.

Mangyaring basahin ang aming kapasyahan, at hinihiling ko rin sa iyong punahin ito at ibahagi ang mga kaisipan mo.

Pinakamabuting harangarin para sa iyo, at salamat sa paglahok sa mga proyekto ng Wikimedia.

Ting Chen
Tagapamahala ng Lupon ng mga Katiwala ng Wikimedia

Kalutasan: Pagiging Bukas

Kami, ang Lupon ng Pundasyon ng Wikimedia, ay naniniwala na ang patuloy ng kalusugan ng aming mga pamayanan ng proyekto ay mahalaga sa pagsasakatuparan ng aming misyon. Ang mga proyekto ng Wikimedia ay itinatag sa kalinangan ng pagiging bukas, pakikilahok, at kalidad na lumikha sa isa sa pinakamahusay na imbakan ng kaalaman ng tao sa daigdig. Subalit habang lumalaki ang mga mambabasa at mga tagapagtangkilik ng Wikimedia sa buong mundo, ang kamakailang mga pag-aaral ng kalakaran ng patnugot ay nagpakita ng patuloy na pagbaba ng pakikilahok at pagpapanatili ng bagong mga patnugot.

Ayon sa pagkakasaad sa aming panlimang taong Plano ng Estratehiya, at pinagdiriinan ng mga natuklasang ito, kinakailangan ng Wikimedia na makahikayat at makapagpanatili ng mas marami pang bago at samu't saring mga patnugot, at mapanatili ang aming mas may karanasang mga patnugot. Mahalaga ang isang matatag na pamayanang namamatnugot sa pangmatagalang pagkandili at taas ng uri ng kapwa pangkasalukuyang mga Proyekto at pati na kilusan namin.

Itinuturing naming pangunahing bagay ang pag-abot sa hamong ito. Hinihiling namin sa lahat ng mga tagapag-ambag na pag-isipan ang mga paksang ito sa panahon ng inyong pang-araw-araw na gawain sa mga Proyekto. Tinatangkilik namin ang Direktor ng Pagpapatupad sa paggawa nito bilang pangunahing bagay para sa mga tauhan, at iminumungkahing dagdagan niya ang paglalaan ng mga mapagkukunan ng Pundashon tungo sa pagharap sa suliraning ito, sa pamamagitan ng pag-abot sa pamayanan, pag-iibayo ng mga pagpupunyagi ng pamayanan, at mga pagpapainam na teknikal. At sinusuportahan namin ang mga tagapagpaunlad, mga patnugot, mga wikiproyekto at mga Sangay na nagsasagawa upang maging mas napupuntahan ang mga proyekto, mapagtanggap, at mapagtaguyod.

Pinagpasyahan ng Lupon na tumulong sa pagpapasulong ng mga pagsusumikap na ito, at nag-aanyaya ng partikular na mga kahilingan para sa pagtulong na Pundasyon na maisagawa ito. Tatanggap at humihikayat kami ng bagong mga ideya upang makatulong na maabot ang aming mga layunin ng pagiging bukas at mas malawak na pakikilahok.

Hinihimok namin ang pamayanan ng Wikimedia na itaguyod ang pagiging bukas at pakikipagtulungan, sa pamamagitan ng:

  • Pakikitungo sa bagong mga patnugot na may pagtitiyaga, kabaitan, at paggalang; na batid ang mga pagsubok na kinakaharap ng bagong mga patnugot, at pag-abot sa kanila; at paghimok sa iba pang gayon din ang gawin;
  • Pagpapainam ng komunikasyon sa mga proyekto; pagpapapayak ng patakaran at mga tagubilin; at pakikiisa sa mga kasamahan na painamin at gawing mas palakaibigan ang mga patakaran at mga gawain hinggil sa mga suleras, mga babala, at pagbubura;
  • Pagtangkilik sa pagpapaunlad at pagpapatakbo ng mga tampok at mga kasangkapan na nagpapainam ng pagiging nagagamit at pagiging napupuntahan;
  • Pagpapataas ng kamalayan ng pamayanan sa mga paksang ito at pagtangkilik sa mga pagpupunyagi ng pag-aabot kamay ng mga indibiduwal, mga pangkat at mga Sangay;
  • Pakikiisa sa mga kasamahan upang bawasan ang salungatan at itaguyod ang isang mas palakaibigan, mas nakikipagtulungang kultura, kasama na ang mas maraming pagpapasalamat at pagsang-ayon; at panghihikayat ng pinakamahusay na mga gawain at mga pinuno ng pamayanan; at
  • Pakikiisa sa mga kasamahan na magpaunlad ng mga gawain na hadlangan ang mga ugaling nakapagpapagulo at nanghahamon, at itakwil ang mga kapilyuhan at mga mapagbanta.

Mga sanggunian