Call for participation/Appeal letter/tg
PAMBUNGAD:MGA WIKA/PANAWAGAN SA PAGSALIN/LIHAM PANAWAGAN SA LAHAT
Sa loob ng kulangkulang sampung taon ,hindi kaagad natin lubos na maisip na ang wikipedia ay umiiral na!Sa kasalukuyan, may 330 angaw o milyon ng mga tao ang nakabasa nito sa bawat buwan na isang patunay na ang wikipedia ay isa sa pinaka malimit silipin ng lahat upang pagkunan ng kaalaman sa ugnayang internet.Daan daan na ang tumulong sa paghuhubog at pagpapatibay ng mga proyekto o nagawa ng wikipedia sa nakalipas na walong(8) taon.
Bagama't marami na kaming nagawa,nanatili pa ring sumusulong kami upang marating ang higit pang malaking hangarin na maging bukas ang wikipedia para sa lahat taong nagnanais gamitin ito bilang isang mabisang mapagkukunan ng iba't ibang kaalaman.Kung paano naming maitataguyod ang tagumpay na ito na harapin ang marami pang pagsubok na haharapin sa darating na mga panahon.Mababa sa ikalima ng bilang ng mga tao sa daigdig ang may kakayahang makagamit ng internet.Samantala,daang libo pa ang natulong na tagaambag sa proyektong wikimedia sa kasalukuyan,hindi pa sila ang lubus na kumakatawan sa maraming bilang ng kaurian ng mga tao sa daigdig na ito.Marami pang pagpipilian ang parating habang gumagawa kami ng pandaigdigang samahan upang makalikha at magbahagi ng kaalamang bukas palad para sa lahat ng mga tao.
Nagsimula kami na gumugol ng maraming taon sa paghubug at pagtataguyod ng mga estratehiyang plano o panuntunan ukol sa samahang ito ng wikimedia.Mula dito, tinutukoy ang nais sabihin o tumbukin;
- Nasaan na kami ngayon?
- Pasaan na tayo sa loob ng limang taon?
- Paano pa tayo susulong mula dito?